Wednesday , January 15 2025

Sino ba ang dapat managot?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NANG ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na sa bansa si dismissed Bamban Mayor Alice Guo, nagulantang ang pamahalaan partikular ang Bureau of Immigration (BI).

Nandoon iyong mga katanungan na paano nakalabas sa bansa si Guo? Sino ang mga tumulong sa kanya? Paano nakalusot sa mga paliparan kung walang kasabwat?

Nariyan din ang mga pagdududa na tiyak may kumita nang malaki para makalabas o makatakas sa bansa si Guo.

Ang lahat ng pagdududa ay ipinuntirya sa BI.

Kawawang BI, kung nakamamatay lang ang masasakit na salitang ipinupukol sa ahensiya, malamang na wala nang naturang opisyal at kawani sa ahensiya.

Nand’yan din iyong isasalang daw sa katakot-takot na imbestigasyon ang BI.

Kamakalawa, nabunutan ng tinik ang BI partikular ang mga bossing matapos ilahad ng naarestong si Sheila Guo, kasama ni Alice na tumakas sa bansa na hindi sila dumaan sa paliparan sa kanilang pagtakas.

Sa halip, inamin ni Sheila na sa ‘back door’ sila dumaan — sumakay muna ng van, tapos sa maliit na bangka, tapos lipat na naman daw sa malaking bangka, hanggang makarating sila sa Malaysia.

Kaya, malaking porsiyento na absuwelto na ang BI o walang pananagutan.

Marahil abot-tenga na ang ngiti ng mga taga-BI ngayon.

Kung absuwelto ang BI, e sino ang mga dapat na managot sa pagtakas nina Alice, at sinasabing kapatid niyang si Sheila at isa pa.

Sinasabing sa dagat sila dumaan at bago naglayag, siyempre, sa lupa muna sila. Paano ito nakalusot sa puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa kabila ng iniyayabang ng pulisya na nakaalerto sila sa pagbabantay upang hindi makalabas ng bansa si Guo.

Nandiyan ang mga inilatag na checkpoint sa mga posibleng daanan ng dating mayora pero lumalabas na ang mga checkpoint ay pampapogi lang.

Walang silbi ang mga checkpoint dahil nagawa itong lusutan ng tropa ni Alice. Hindi kaya may kumita sa dinaang checkpoint ng tropa ni Alice? Ops, nagtatanong lang tayo ha at hindi nag-aakusa.

Akalain ninyo, base sa salaysay ni Sheila, limang oras silang bumiyahe makaraang sunduin sila ng van sa farm sa Tarlac bago makarating sa isang pantalan.

Sa haba ng limang oras na biyahe, kung totoong nakaalerto ang PNP laban kay Alice, parang napakaimposible na walang dinaanang checkpoint ang van e samantala kabi-kabila ang inilatag na checkpoint ng PNP.

Sa pagtakas, ‘di ba batay din sa testimonya ni Sheila sa Senado ay dumaan sila sa karagatan hanggang umaabot sa isla ng Malaysia?

Nasaan din ang mga bantay dagat natin? Nasaan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga oras na iyon habang tinatawid ng maliit at malaking bangka ang karagatan ng Filipinas papuntang Malaysia?

Akala ko ba’y nakaalerto ang lahat para hindi makatakas si dismissed Mayor Guo? Dapat talaga na may managot! Pero ang tanong, nagsasabi kaya ng katotohanan sa paraan ng kanilang pagtakas si Sheila?

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …