Wednesday , January 1 2025
Honey Lacuna Yul Servo Nieto
TINIYAK nina Manila Mayor maria Sheilah “Honey” Lacuna at Vice Mayor Yul Servo na muli silang tatakbo sa 2025 polls. Pormal na idineklara ito ng dalawang nanunungkulan sa pinakamataas na posisyon sa lungsod, nang maging resource persons sa buwanang “Balitaan” ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Harbour View Restaurant sa Ermita, Maynila, kahapon. Anang dalawang opisyal, sama-sama silang maghahain ng certificate of candidacy (COC) sa darating na Oktubre para humingi ng bagong mandato sa 2025. (BONG SON)

Sa Maynila
MAYOR HONEY, VM SERVO TANDEM TULOY NA TULOY SA MAY 2025 POLLS
Liderato sa 2025 ‘di magbabago — Mayor Honey

TULOY na tuloy na ang reelection nina Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at Vice-Mayor Yul Servo sa darating na May 2025 polls.

Ito ang pormal na ipinahayag ng dalawang pinakamataas na incumbent officials ng lungsod nang sila ay maging guest resource persons sa buwanang “Balitaan” ng  Manila City Hall Reporters’ Association na ginaganap sa Harbor View Restaurant, Ermita, Maynila.

Anila, magkasama silang tatakbo at magkasabay na maghahain ng certificates of candidacy (COC) sa Oktubre, para sa sariwang mandato o panibagong termino sa 2025.

Sa nasabing forum, mariin at tiwalang idineklara ni Lacuna na walang magbabago sa liderato ng Maynila sa darating na 2025, ibig sabihin ay mananatili sila sa kanilang posisyon at ang kanilang mga nagawa sa mga residente ng Maynila ay sapat na balidasyon para paboran sila ng mayorya ng residente sa Maynila.

Ipinagkapuri ni Servo si Lacuna bilang kanyang partner at tandem sa susunod na taon. Sinabi ni Servo na patuloy siyang binibigyan ng inspirasyon dahil sa mahusay na liderato nito.

Ayon pa sa bise alkalde, ang dedikasyon at sipag ni Lacuna bilang alkalde ng kabiserang lungsod ng bansa ay nagbunga ng maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng Maynila.

Samantala, sinabi ni Lacuna na bagamat magandang tingnan ang infrastructures, mayroon mga pangangailangan na higit na dapat bigyang pansin at unahin tulad ng pagtulong sa mga mamamayan at upang mas marami ang makinabang.

Sa puntong ito ay ikinompara ni Lacuna ang housing projects kung saan kakaunti ang  makikinabang kompara sa special assistance program (SAP) na nagbibigay ng  monthly cash aid sa lahat ng senior citizens, persons with disability, minors with disablity, solo parents,  university students na ang bilang ay umaabot ng daan-daang libo.

Ang cash assistance na tinatanggap ng mga benepisaryo ayon pa kay Lacuna ay higit pa sanang mas malaki kung hindi nagbabayad ang pamahalaan ng

P17.8 bilyong utang na iniwan ng nakaraang administrasyon.

Gayonman, sinabi ni Lacuna, ang kanyang administrasyon ay patuloy pa rin sa kanilang infrastructure projects base na rin sa tinatawag na proof of concept, ibig sabihin, dapat ay nakabase sa bilang ng dami ng taong makikinabang ang project.

Halimbawa, ang mga school buildings na itinayo kung saan mas marami ang classrooms sa aktuwal na kailangang bilang o dami ng populasyon ng mga estudyante.

Kabilang sa mga proyekto ni Lacuna na tapos na sa susunod na buwan ay ang animal shelter and clinic malapit sa Vitas Slaughtherhouse. Ang six-storey school buildings sa Tondo, sa District 5 at sa District 6.

Ang mga paaralang tatayuan ng gusali sa Tondo ay ang Isabelo Delos Reyes Elementary School at Emilio Jacinto Elementary School at inaasahang matatapos ito sa mga unang buwan ng 2025.  Sa District 5 naman ay ang Aurora Quezon Elementary School, na tapos na ang Phase 1 at sisimulan na rin ang Phase 2,  nag- groundbreaking ang V. Mapa School sa Disrict 6, at malapit na itong simulan.

“Depende kasi sa populasyon ng mag-aaral kaya six-storey school ang buildings. Matatapos na rin ang pagpapagawa ng Aurora Quezon Health Center,” dagdag ng alkalde.

Samantala, sinabi ng lady mayor na ang kanyang administrasyon ay humingi ng tulong sa lahat ng punong barangay sa pagbibigay tiwala sa kanila sa pamamahagi ng nasabing monthly cash assistance sa mga senior citizens, persons with disability, minors with disablity, solo parents and university students.

“Ginawa naming mas efficient ang delivery of SAP by tapping barangays instead of PayMaya. Nakita naming ‘di epektibo ang PayMaya dahil di nakukuha ng senior using PayMaya.  In fact, meron pa tayong pondo na hanggang ngayon nasa PayMaya kaya pinagkatiwalaan na sila (barangay chairmen) mismo ang mamigay. For five to seven days ay nasa kanila ang pondo para direkta itong maibigay, mas on time at mas efficient,” saad nito.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Servo na sa ilalim ng kanyang pagtitimon bilang Presiding Officer ng Manila City Council  at pagkatapos ng 77 taon, ang Konseho ay nakapag-digitize na ng 9,000 ordinances at dahil dito ay  click away na lang ang mga gustong malaman ng kahit na sino pagdating sa mga ordinansa. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …