RATED R
ni Rommel Gonzales
HINDI lang celebrity players at home viewers ang panalo dahil pati ang studio audience, may chance na ring mag-uwi ng cash prize sa Family Feud.
Simula noong August 21, kasali na rin sa papremyo ang live studio audience. Pipili si Dingdong Dantes ng isang player sa audience na huhula sa natitirang survey answers sa board. Kapag tama ang sagot, mag-uuwi ang audience member ng P5,000.
Bukod diyan, tuloy-tuloy din ang pamimigay ng blessings sa home viewers sa pamamagitan ng “Guess to Win Promo.” At siyempre, dapat ding abangan ang mga star-studded families na maglalaro araw-araw.