PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
TILA mas nakakuha pa ng simpatya ang mga sinasabing bumiktima kay Sandro Muhlach matapos ngang makita ng mga tao ang tila “husgadong” pagtatanong, paggisa, at pagpapa-amin ni Senador Jinggoy Estrada sa mga ito.
“Ganyan ba ang Senate hearing in aid of legislation? Pilitan, pitpitan at kapag hindi nagustuhan ang sagot sa tanong eh magmumura at magbabantang mag-walk-out?,” hirit ng mga netizen na tila nadesmaya sa proseso.
“Wala nga silang nagawa sa pagtakas ni Mayor Alice Guo na sobra-sobra ang impact ng kaso sa buhay ng mga Filipino,” segue pa ng ilan.
At ngayong nakisawsaw (termino mismo) nga si Gerald Santos sa usapin na nagdeklarang siya nga ay ni-rape noong 15 years old siya, hanggang saan kaya aabot ang “in aid of legislation” ng Senado para mabigyan talaga ng hustisya ang mga deserving makakuha nito?
Yes, parte na rin ngayon ng pagdinig sa Senado ang kaso ni Gerald na sumisigaw ng “na-rape” ng isang musical direktor ng GMA 7 na nakaapekto sa kanyang career kahit ngayong nasa early 30’s na siya.
And yes too, sinasabi nga ng GMA 7 ngayon na ‘kusang’ nagpa-rilis ng kanyang kontrata ang singer noong mga time na ‘yun.