Thursday , June 4 2026
Mon Confiado NBI

Mon Confiado tuloy ang demanda sa content creator kahit nagmamakaawa

MA at PA
ni Rommel Placente

ITINULOY pa rin pala ni Mon Confiado ang pagsampa ng cyber libel case laban sa content creator na si Ileiad, kahit nagmakaawa na itong iurong ang kaso.

Walang plano si Mon na iatras ang cyber libel complaint na isinampa niya sa National Bureau of Investigation (NBI) kay Ileiad o Jeff Jacinto sa tunay na buhay.

Si Jacinto ang vlogger na nag-post sa kanyang social media account ng fake news o ang tinatawag na “copypasta” story tungkol kay Mon na isa raw malaking kasinungalingan.

Nagmamakaawa, nag-apologize. Pero ang mali niya, hindi niya tinangal agad ‘yung post. Hindi ‘yung drinag ‘yung name ko.

“Ang mali niya, dapat tinangal agad noong nag-message ako,” sabi ni Mon sa panayam ng ABS-CBN.

Tuloy (ang kaso). Hindi ko alam saan pupunta ang kaso, it does not matter. Ang importante maging aware tayo lahat na hindi pwede gagawa basta ng kuwento. Ganoon lang ba ‘yun?

“Hindi lahat tayo nagsiraan. Sabihin joke lang! Kailangan natin itama. Dapat siguro masimulan. Ito na ‘yun,” aniya pa.

Hindi rin maramdaman ng premyadong character aktor ang sincerity ng paghingi ng tawad ng vlogger.

Nag-apologize pero hindi sincere. Sinabihan mo pa ako ng ‘is this a threat?’ Hindi mo pa rin ito tinanggal hanggang kinabukasan ng gabi.

“Oo, nag-public apology ka kunwari later on pero sarcastic at hindi sincere. At wala ni katiting na pagsisisi at proud ka pa sa ginawa mo.

“At ginagawa niyo pa akong katatawanan ng mga follower mo. At ngayon ikaw na ang biktima at ako na ang masama,” ang post ni Mon sa kanyang Facebook account.

As I’ve said in my post, wala akong kaaway, ni-isang nakaaway, issue. Never ako na-involve sa gulo o incidente. Biglang ganito, parang mali naman ‘yun. Sana maging lesson sa lahat ng content creator,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …