MATABIL
ni John Fontanilla
NAGBIGAY ng mensahe at payo si Mommy Dionisia Pacquiao, ina ni Pinoy boxing Manny Pacquiao, ang two time Olympic Gold Medalist na si Carlos Yulo na dapat nitong mahalin ang kanyang inang si Angelica at pamilya.
Sa isang interview ay sinabi ni Mommy Dionisia na, “Carlos Yulo, mahalin mo ang nanay mo. ‘Wag ka magkimkim ng sama ng loob.”
Dagdag pa nito, “Mahal na mahal ka niya. ‘Yan lang ang payo ko sa iyo bilang nanay.”
At sa pagdating nga nito noong Martes kasama ang iba pang atletang lumahok sa 2024 Paris Olympics ay wala ni isang pamilya ni Carlos ang sumalubong na bali-balitang hindi pinayagan.
At sa Motorcade nito ay maraming netizens ang nadurog ang puso nang makita sa crowd na nag-aabang sa pagdaan ng karosa ni Carlos ang tatay nito na sana ay kasa-kasama sa parada. Bagkus ang girlfriend nitong si Chloe ang kasama.
Maging sa Malacan̈ang ay ang GF pa rin nitong si Chloe ang kasama at hindi ang kanyang pamilya.
Malayong-malayo nga si Carlos sa Pambansang Kamao na sobra-sobra ang pagmamahal sa kanyang ina at inialay ang tagumpay sa kanyang minamahal na ina.