Thursday , June 4 2026
Kristof Garcia

Kristof ‘bumigay’ sa Wild Boys

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG yumaong Master Showman na si German Moreno o Kuya Germs ang nakadiskubre sa male actor na si Kristof Garcia.

Si Kuya Germs po pinahanap niya po ako, nakita po yata niya ako sa commercial ng Globe,” umpisang kuwento sa amin ni Kristof.

Sa Facebook siya nahanap na humantong sa pagkakasali niya sa last batch ng mga talent sa Walang Tulugan With The Master Showman.

Mga three months bago siya mamatay, nakapasok ako,” sinabi pa ni Kristof.

Nakasama niya sa Walang Tulugan ang noo’y mga baguhan ding sina Sanya Lopez at Jak Roberto at papasikat na noon na si Ken Chan.

Ngayon ay mga big star na ng GMA ang tatlo; si Sanya ay napapanood sa Pulang Araw.

Masaya raw siya sa narating ng tatlo sa showbiz.

Ano naman iyan eh, sabi nga ng BINI, ‘ang buhay ay ‘di karera’,” at natawa si Kristof. 

Parang siguro that is their ano, destiny talaga na maunang sumikat.

“Baka pagdating ng panahon maging Eddie Garcia na tayo. Siya ‘yung peg ko na parang mamamatay na ako sa showbiz, ganoon sana, ‘pag tumanda.”

Idolo rin ni Kristof sa pag-aartista sina Aga Muhlach at Christopher de Leon mula pa noong bata pa siya.

Ang manager ni Kristof ay si Juan Paolo Infante ng JPI Entertainment.

Bukod sa Walang Tulugan ay napanood din si Kristof sa Tadhana ni Marian RiveraDear Uge; Pamilya Roces; at Cain At Abel at marami pang iba.

Nakalabas na rin siya sa Kumusta Bro series ng Viva One, Love At The End Of The World sa Vivamax, at pelikulang Ampalaya Chronicles kasama si Ina Raymundo.

Gaganap na macho dancer si Kristof sa upcoming film na Wild Boys na ang direktor ay ang sexy actor-turned- director na si Carlos Morales.

Mula sa Bright Idea Production, nasa Wild Boys din bilang bida ang magkapatid na Vin at Aljur AbrenicaRash Flores, Nico Locco ang komedyanteng si Inday Garutay, at ang male newbie na si Pedro Red.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …