PINANGUNAHAN ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial (gitna) kasama sina (L-R) PBA Treasurer Atty. Raymond Zorilla, Chairman Ricky Vargas, Vice-Chairman Al Francis Chua at Dino Laurena ng TV 5 at kasama ang mga PBA Board of Governors sa inilunsad na Pre-Season Press Conference ng 2024-25 (49th Season)PBA Governor’s Cup sa Edsa Shangri-La sa Mandaluyong City.
Labing dalawang team ang kalahok na hinati sa dalawang grupo,
sa Group “A” ay ang Converge FiberXers, Terrafirma, Northport, TNT, Magnolia at Meralco, habang sa Group “B” kabilang ang Blackwater, Phoenix, NLEX, Rain or Shine, Barangay Ginebraat San Miguel.
Magsisimula ang liga sa Agosto 18 sa Smart Araneta Coliseum. Bago simulan ang laro sa pagitan ng Meralco Bolts at Magnolia Timplados Hotshots isasagawa muna ang prestihiyosong 48th Season Leo Awards kung saan pararangalan ang Most Valuable Player at best performers ng Season 48, ganap na alas 4 ng hapon kasunod ang opening ceremonies sa alas 5 ng hapon at ang elimination games magsisimula ng 7: 30 ng gabi (HENRY TALAN VARGAS)