I-FLEX
ni Jun Nardo
MAY kurot sa puso ang bagong movie ng best supporting actor na si LA Santos kasama si Kira Balinger na Maple Leaf Dreams ng 7K Entertainment mula sa direksiyon ni Benedict Mique na nagdirehe rin ng Monday First Screening.
Kuwento ito ng young Pinoy couple na pumunta sa Canada para sa mas maunlad na buhay at matulungan ang pamilya. Hirap sa una pero dahil sa pagpupursige ay nagtagumpay at ibabahagi nila ang kanilang kuwento sa movie na mapapanood sa September 25, 2024.
May testimonies pa ng real life couple tungkol sa ilanng hirap bago makamit ang pangarap.
Sa nangangarap magtrabaho at mabuhay sa Canada, ito ang pelikulang magiging inspirasyon ninyo.