Monday , December 23 2024
Pig Vaccine

Sertipikado na ng FDA
Libreng 150,000 bakuna laban sa ASF inilabas na

NAGPAHAYAG ng kagalakan ang sektor ng agrikultura nang ianunsiyo ng Food and Drug Administration (FDA) na naglabas na sila ng Certificate of Registration para sa bakuna sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Rep. Nicanor “Nikki” Briones, bilang Chairman ng Pork Producers Federations of the Philippines, Inc., at Presidente ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines o AGAP Partylist, natutuwa ang kanilang sektor sa magandang balitang ito na ipinahayag ng FDA na mayroon nang gagamiting bakuna laban sa ASF at pasado na ito sa pagsusuri.

Ayon kay Briones, bagama’t ang ASF, hindi nagdudulot ng banta sa kalusugan ng tao, nakapipinsala naman ang epekto nito sa mga baboy, na may isang impeksiyon na kayang lipulin ang isang buong kawan.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., magsisimula na sila sa pagpapakalat sa nasabing bakuna sa mga apektadong lugar.

Ayon kay Laurel, 150,000 bakuna ang agad nilang dadalhin sa mga Red Areas ng ASF partikular sa mga lalawigan ng Batangas at Mindoro na sisimulan sa susunod na buwan.

“Malaking tulong po ito at matagal na pong hinihintay ng mga sector ng pagbababuyan at ang pagkakaalam ko po, libre ito at iyon ang isang malaking pag-asa na dumating sa ating mga magbababoy na matagal nang pinapahirapan ng ASF at alam ko na aabot sa 600,000 baboy ang puwedeng bakunahan nang libre na nagkakahalaga ng P350 milyon ang budget. Ibig sabihin naglalaro ito between P550 to P600 ang halaga kada dose,” pahayag ni Cong. Briones.

Bagama’t limitado pa rin aniya sa ngayon ang supply libre namang ibibigay ng DA ang bakuna laban sa nasabing sakit.

Bahagi ng kabuuang 600k bakuna na magmumula sa Vietnam ang 150,000 bakuna na unang ipamimigay ng Agriculture Department.

Sinabi ni Briones, wala pa silang nakikitang  magiging epekto nito sa presyohan ng baboy dahil libre itong ipagkakaloob ngunit kung sa mga darating na araw kung ipaso-shoulder sa ating mga hog raiser, backyard o commercial raisers ang kada dose ng bakuna sa mga alagang baboy posibleng tumaas ang presyo ng mga bilihing baboy sa merkado.

Pero kung maengganyong muli ang ilang dating magbababoy na bumalik sa pag-aalaga ng baboy posibleng tumaas ang supply at bumaba ang presyo ng baboy sa merkado.

Samantala, tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na naglaan ito ng P350 milyon para sa pagbili ng mga bakuna.

Sasailalim sa controlled rolled-out na pangasiwaan ng Bureau of Animal Industry ang mga bakuna, kabilang ang mga mula sa Vietnam.

Nagpapasalamat ang sektor ng magbababoy kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at Secretary Kiko Laurel dahil napagkalooban sila ng libreng bakuna lalo na iyong ating mga backyard raisers na lubhang naapektohan ng nasabing outbreak.

Muli humilihiling ang sektor ng magbababoy na sana isunod ng pamahalaan ang bakuna laban sa birds flu.

“Kailangan din ng mga nasa sector ng poultry na mga pangitlugang manok at broiler na magkaroon ng mabilisang bakuna para naman sa bird flu para maiwasang magkaroon ng problema sa supply ng itlog,” wika ni Rep. Nikki.

“Inumpisahan nila na magbigay ng libreng bakuna sana lahatin nila iyong backyard at commercial na buong populasyon ng baboy sa bansa. Magiging malaking tulong ito para sa mga ating hog raisers para magkaron sila ulit ng lakas ng loob na mag-alaga at magparami. Lalong malaking tulong ito sa ating mga consumers, at mamimili dahil pwedeng bumaba ang presyo ng baboy kapag dumami ang supply ng karneng baboy sa ating bansa. Bababa ang presyo makikinabang ang mamimili o pamilyang Filipino sa ating bansa,” pagwawakas ni AGAP Rep. Briones. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …