PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MARAMI ang nag-eengganyo kay Gerald Anderson na pasukin ang politika matapos makita ng madla ang pagiging consistent nito sa pagtulong sa kapwa. The latest of which nga ay ‘yung pagsaklolo niya sa ilang pamilya na naipit sa baha.
Noon pa man ay may puso na talaga si Gerald sa mga ganyang gawain at naturalesa niya kumbaga ang tumulong ng walang kapalit.
Mula sa Marikina City hanggang sa Quezon City ay may mga grupong naghihikayat sa aktor pero mukhang deadma lang si Ge.
Nang minsan nga namin itong matanong ukol dito ay isang masayang ngiti at pagsabing “hindi tayo bagay diyan,” ang isinagot nito sa amin.
Well, tama nga naman siya sa pagsasabing wala sa posisyon o poder ang pagtulong sa kapwa at mga nangangailangan.
Sa dinami-dami ng mga artistang sumabak sa politics, mabibilang lang talaga sa daliri ang mga totoong nagsisilbi at nagtatrabaho ng tama.