TRENDING kahapon ang cryptic post ni Ogie Diaz kaugnay sa viral sexual assault ng umano’y dalawang executives mula sa isang TV network sa baguhang aktor.
Anang talent manager sa kanyang Instagram Story nakakalungkot at nakaka-trauma ang karanasan ng baguhang aktor.
Narito ang post ni Ogie:
“Juice ko, yung ginawa sa biktima, parang nagbabasa ka lang ng Xerex sa Abante nu’ng araw kung ilalarawan mo. Try to imagine.
“Basta ang premise, hindi gusto ng biktima ang ginagawa sa kanya kahit nakikiusap siya na ‘wag please, hinahanap na po ako ng girlfriend ko.’ Traumatized.
“Ang ending: may depression, panic attack, anxiety, ptsd ang biktima. Kaya madalas mag-breakdown.”
Hindi naman malinaw kung magka-ugnay ang mga post nina Ogie at Niño, subalit marami ang naglalabasang ang baguhang aktor na tinutukoy sa mga blind item ay si Sandro Muhlach.
Naglabas naman ng pahayag ang GMA Network patungkol sa isyu.
“Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network.
“We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue. Should one be filed, the Network is committed to conducting a thorough and impartial investigation. We assure the public that GMA Network takes such matters with utmost seriousness.”