Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang dala ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dahil sa bagyong ‘Carina’.

Alas-3 palang ng madaling araw ay sinuspinde na ni Lacuna ang klase sa lahat ng antas pati na ang pasok sa pamahalaang lungsod maliban na lamang sa departamento na may kinalaman sa pagbibigay ng mga esensyal na serbisyo,  social services, health services,  disaster and calamity preparedness and response measures,  at iba pang mahahalagang serbisyo.

Pinangunahan din ni Lacuna ang lahat ng concerned city officials nang maglibot sa lungsod simula pa ng madaling araw upang tingnan ang sitwasyon sa mga flood-prone na bahagi ng Maynila,  ang paglilikas ng mga pamilyang apektado ng baha lalo na ang mga senior citizens, mga may sakit, gayundin ang  ginagawang pagtugon ng lungsod. 

Basa sa ulan at lumulusong sa bahay,  si  Lacuna sa kanyang  live post ay bumisita sa mga mga  flooded areas, at patuloy na nagpapaalala sa mga  Manileño na manatili sa bahay maliban na lamang kung kailangan talagang lumabas. Ipinapakita din ng alkalde sa live post ang mga lugar na lubog sa tubig baha at hindi pwedeng daanan ng sasakyan.

Ayon kay Lacuna ang  nasabing suspensyon ng klase ay base sa mungkahi ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dahil sa bagyong ‘Carina’ at ng  southwest monsoon. 

“These suspensions are aimed at ensuring the safety of all city employees and residents amid the adverse weather conditions.  So please, stay home.  In the meantime, essential services will continue to operate to ensure that the needs of Manileños are met during this challenging time,” pagtitiyak ng alkalde. 

Ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office sa pamumuno ni Arnel Angeles, social welfare department sa ilalim ni Re Fugoso, Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Arnold Pangan at ang lahat ng  city-run hospitals sa anim na distrito ng Maynila ay pinakikilos na bunga na rin ng kinakaharap na sitwasyon. 

Samantala ay itinalaga ang lahat ng mga paaralan bilang pansamantalang evacuation sites ng mga apektado ng tuloy-tuloy na malakas na pagbuhos ng ulan.

Ang lahat naman hospitals sa lungsod ay inilagay sa  code white, at naghanda na ng mga gamot para  prophylaxis laban sa  leptospirosis. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …