Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enchong Dee Piolo Pascual Jericho Rosales Alden Richards Dingdong Dantes

Enchong G sa BL project; wish makatrabaho sina Piolo, Echo, Alden, at Dingdong

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKAGAWA na rin naman ng gay role si Enchong Dee sa pelikuang Here Comes The Groom, na talagang pinuri ang akting niya.

Kaya naman kung may offer sa  kanya para sa isang BL (Boy’s Love) project, game siyang gawin, kung talagang maganda at makai-inspire sa mga manonood.

Kuwento ng aktor, bago pa man nauso ang mga BL series sa Pilipinas, may naisip na raw siyang tema at konsepto noon para gawing pelikula.

Nai-pitch pa nga raw niya ito sa isang kaibigang executive, ngunit hindi nag-materialize. Sey ni Enchong, baka raw hindi pa iyon ang tamang panahon para gumawa siya ng BL project.

At kung papipiliin sa mga sikat at magagaling na aktor sa bansa para makasama sa proyekto, nabanggit niya ang pangalan nina Jericho Rosales, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, at Alden Richards.

Samantala, todo pasalamat pa rin si Enchong sa pagkapanalo bilang Best Supporting Actor sa 7th The EDDYS para sa pelikulang GomBurZa.

Sabi ni Enchong, “Being part of Gomburza is already such a win, simply because maraming magagandang bagay na sunod-sunod na nangyari after GomBurZa…from Cedrick (Juan), to Tito Dante (Rivero), to Piolo (Pascual), to myself, panalong-panalo na siya.”

Para kay Enchong, malaking karangalan sa kanya ang manalo ng best supporting actor, “To be recognized by, specifically by the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ang laking bagay kasi ito ‘yung mga taong kaakibat mo, everytime na nagpo-promote ako.

“So, it matters to me kasi these are the people na kasama namin when it comes to spreading the words with our new projects.

“‘Yung panalo kahapon, hindi ibig-sabihin panalo ngayon, so I just have to keep working. And I’m very grateful to the members of the SPEEd because it’s an added inspiration for me to do better in the next projects,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …