Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jess Martinez Wilma Doesnt Noreen Divina

Jess Martinez mukha ng Skinlandia

RATED R
ni Rommel Gonzales

GUMAGANAP bilang si Diwata sa Abot Kamay na Pangarap ang magandang female star na si Jess Martinez. Si Diwata ay pamangkin ni Josa, ang karakter na ginagamapnan naman ni Wilma Doesnt.

Kumusta kaeksena si Wilma na alam ng marami na may malakas na onscreen presence?  

“Parang I did not feel any pressure naman,” umpisang wika ni Jess, “it was light, kasi kinakausap talaga ako ni Miss Wilma, she’s super welcoming kahit na baguhan ako.

“Tapos whenever I get like, parang mali ‘yung ginagawa ko or like emotions na ipinakikita ko, sinasabihan niya naman ako.

“Hindi lang siya tita ko sa palabas but like tita rin in real life,” nakangiting wika pa ni Jess.

Si Jess din ang mukha o face ng Skinlandia, ang bagong bukas na beauty and wellness clinic sa SM City Fairview na pag-aari ng mag-asawang Noreen and Juncynth Divina na siya ring may-ari ng Nailandia Nail Studio and Body Spa.

Ano ang pakiramdam na ieendoso niya ang isang bagong clinic na pampaganda at masasabing nakasalalay din sa kanya ang tagumpay nito?

“Well hindi naman siya nakaka-pressure for me pero grabe, I was like super-happy na grabe ang tiwala sa akin ng Skinlandia family kasi andaming ibang artists and then established na ‘yung Nailandia. So, madali na lang ipaingay ‘yung Skinlandia.

“So they have a lot of options pero ako yung pinili so grabe,” ang masayang sambit pa ni Jess.

“More on grateful than pressured.”

Honored rin si Jess na kung siya ang face ng Skinlandia, ang nag-iisang celebrity endorser naman ng Nailandia  ay ang GMA Primetime at Box-Office Queen na si Marian Rivera.

Nasa opisina ng Medicare Plus si Jess para gumawa ng Tiktok videos kasama ang South Korean actor/model at Handsome Tigers star na si Moon Su-in na brand ambassador din.

Present din sina Rams David, Shyr Valdez, at JayJay Viray, CEO ng Medicare Plus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …