Wednesday , May 14 2025
Arthur Miguel

Arthur Miguel trending ang Lihim  

RATED R
ni Rommel Gonzales

SIKAT na male singer si Arthur Miguel na nag-trending ang kantang Lihim na may 39.1M streams sa Spotify at ang Ang Wakas na unang nakilala sa Tiktok na may 50.7M streams sa Spotify.

At tulad ng ibang celebrities, nakatatanggap din si Arthur ng negatibong reaksiyon o pamba-bash.

“Hindi mo siya maiiwasan. Sobrang perfect mo naman kung hindi ka nakatanggap ng negative feedback. Pero tini-take ko na lang siya,” saad ni Arthur.

Hindi siya pumapatol sa mga basher.

Ano na ba ang masakit na bashing na ibinato sa kanya?

“Hindi kasi ako nagbabasa na ng mga bash comment, pero siguro iyon pa rin. Babalik pa rin doon sa noong cover artist ako. 

“Kasi sobrang big deal talaga noon sa akin na sabihan ng ganoon na ‘gumagamit.’”

Na kaya rin umangat umano si Arthur ay dahil sa pagko-cover niya ng kanta ng mga sikat na artists.

“Ayoko rin ng sinasabihan, kahit hindi cover, like gumagamit ka ng tao para lang umangat ka.

“Hindi ko siya sinasagot kasi the more na sagutin mo, the more na may sasabihin sila, and lalo lang lalala ‘yung issue,” sinabi pa ni Arthur na tubong San Jose del Monte sa Bulacan.

Nasa pangangalaga siya ng Warner Music Philippines.

May five-track EP si Arthur ngayon, ang MU na ang  carrier single ay ang Malabong Ugnayan tampok ang tinaguriang bedroom pop star na si Jikamarie.

Nasa EP din ang apat na B-side tracks: Isaoras, Ghinost, Dati, at Maling Panahon.

Ang MU ay available sa mga digital streaming platforms tulad ng Spotify, Apple Music. at Youtube Music.

About Rommel Gonzales

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

Nadj Zablan Laya

Kantang Laya ni Nadj Zablan nabuo pagkatapos ng pandemya

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang bagong kanta ng Pinoy Alternative Rock Singer-songwriter na si Nadj Zablan na Laya na …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …