Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eddys Speed

Jed Madela, Ogie Alcasid, Rampa Reynas, 2 pang young artist eeksena sa 7th EDDYS

SINO-SINO ang tatanghaling pinakamagagaling at karapat-dapat na magwagi sa pinakaaabangang 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd)?

Nakaabang na ang lahat sa idaraos na Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS Entertainment Editors’ Choice na magaganap sa July 7, 2024, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City. 

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa AllTV sa July 14, 10:00 p.m. na muling ididirehe ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Magiging bahagi ng 7th The EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela, ang kauna-unahang Filipino artist na itinanghal na World Championships of Performing Arts winner.

May espesyal ding partisipasyon ang premyadong Ultimate Singer-Songwriter at TV host na si Ogie Alcasid na tiyak tatatak sa mga manonood.

Isang pasabog na production number din ang hatid ng mga drag queen na Rampa Reynas at ng mga promising young artist na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez

Magsisilbing host sa magaganap na awards night ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na sina Gabbi Garcia at movie/TV actor Jake Ejercito. 

Magiging red carpet host ang radio veteran host na si Mr. Fu. 

Inaasahang mas magiging matindi ang labanan sa ikapitong edisyon ng The EDDYS. Magbabakbakan ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform nitong nagdaang taon na gumawa ng ingay at nagmarka sa mga manonood.

Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang About Us But Not About Us (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films); Firefly (GMA Pictures, GMA Public Affairs); GomBurZa (Jesuit Communications, MQuest Ventures, CMB Film Services); Iti Mapukpukaw (Project 8, GMA News and Public Affairs, Terminal Six Post), at Mallari (Mentorque Productions, Clever Minds Inc.).

Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Derick Cabrido (Mallari); Pepe Diokno (GomBurZa); Zig Dulay (Firefly); Jun Robles Lana (About Us But Not About Us); at Carl Joseph Papa (Iti Mapukpukaw).

Magpapatalbugan sa pagka-best actress sina Kathryn Bernardo (A Very Good Girl); Charlie Dizon (Third World Romance); Julia Montes (Five Breakups And A Romance); Marian Rivera (Rewind); Vilma Santos (When I Met You In Tokyo); at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).

Nominado naman sa Best Actor category sina Elijah Canlas (Keys to the Heart); Dingdong Dantes (Rewind); Cedrick Juan (GomBurZa); Piolo Pascual (Mallari); Alden Richards (Five Breakups And A Romance); at Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us).

Para sa kategoryang Best Supporting Actress nominado sina Dolly de Leon (Keys to the Heart); Alessandra de Rossi (Firefly); Gloria Diaz (Mallari); Gladys Reyes (Apag); at Ruby Ruiz (Langitngit).

Sa Best Supporting Actor category maglalaban-laban sina Enchong Dee (GomBurZa); Keempee de Leon (Here Comes The Groom); Nanding Josef (Oras de Peligro); Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes); at JC Santos (Mallari).

Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night sa July 7, 2024.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at AllTV, kasama pa ang ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Team bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche TanUnilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Kamiseta, at ang Echo Jam.

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …