Thursday , June 4 2026
Paulo Avelino Kim Chiu

Kim sundo’t hatid ni Paulo sa It’s Showtime; ipinakilala pa sa mga kaibigan

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino, na kilala ang loveteam sa tawag na KimPau, ay ayaw paawat sa pagsasabing gusto na nilang maging mag-jowa ang dalawa kahit pa sinabihan na sila ng aktor na huwag madaliing magka-relasyon sila ng aktres at hayaan muna itong mag-heal after ng breakup kay Xian Lim.

Talagang kilig na kilig kasi ang mga tagahanga sa KimPau loveteam lalo na nang may lumabas na chika na hatid-sundo ni Paulo si Kim. Gumigising umano ng maaga si Paulo para ihatid si Kim sa It’s Showtime. 

Isa pang tsika, patunay pa raw na may relasyon na sila ay ang pagpapakilala ni Paulo kay Kim sa friends niya. Sa gym pa raw na pina-patronize ni Paulo dinala ang leading lady sa What’s Wrong With Secretary Kim? at doon ipinakilala sa mga kaibigan.

Dagdag na tsika pa, magkasama raw ang dalawa sa Amanpulo noong birthday ni Paulo kamakailan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …