Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kara David Pinas Sarap

Pinas Sarap number 1 show sa GTV 

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG travel at food documentary program ng GMA Public Affairs na Pinas Sarap ang number 1 program sa GTV.

Ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement mula Enero 1 hanggang Mayo 18, 2024, pinangunahan ng Pinas Sarap ang lahat ng programa ng GTV sa Total Philippines (Urban and Rural). Nakapagtala ito ng people rating na 2.9 percent.

Sa Urban Philippines naman, nakakuha ang Pinas Sarap ng people rating na 3.4 percent para sa parehong panahon, mas mataas sa katapat nitong programa tuwing Sabado sa TV5 na Everybody Sing!, (Enero 6 hanggang Pebrero 10) na nagtala ng people rating na 3.3 percent at The Voice Teens (Pebrero 17 hanggang Mayo 18) na may 2.9 percent. 

Nagpasalamat ang host nito at award-winning broadcast journalist na si Kara David sa tagumpay ng programa.

“Maraming salamat sa lahat ng masisipag na staff at crew ng programa. Higit sa lahat, salamat mga Kapuso sa walang sawang pagsubaybay sa ‘Pinas Sarap’ sa nakalipas na pitong taon. Makaaasa kayong mas bubusugin pa namin kayo ng magagandang kuwento ng pagkain at kulturang Pinoy!” ani Kara.

Nasa ika-pitong taon na ang nasabing TV show na nagdadala sa viewers sa kakaibang culinary journey sa buong Pilipinas. Mula sa pagtatampok ng mga heritage recipe hanggang sa culinary trends na sikat sa online, nagsisilbi itong platform na nagbibigay-daan sa iba’t ibang bayan, lungsod, at probinsiya na ipagmalaki ang kani-kanilang delicacies sa local at international audience.

Panoorin ang Pinas Sarap tuwing Sabado, 8:15 p.m. sa GTV. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …