RATED R
ni Rommel Gonzales
ITINAMA ni Kuya Kim Atienza ang fake news na lumabas na umano’y namatay na siya!
Isang Tiktok account ang nag-post ng black and white photo ni Kuya Kim. At ang nakakalokang caption nito ay, “Maraming salamat, Alejandro ‘Kim’ Ilagan Atienza. January 24,1967-June 3, 2024.”
Si Kuya Kim mismo ang nag-edit ng naturang larawan at sinulatan niya ng pagkalaking letrang “HOAX” na kulay pula.
“Aabot din tayo riyan, but not today,” pagtutuwid na caption ng 24 Oras news anchor at TiktoClock at Dapat Alam Mo! host.