Monday , December 23 2024
lovers syota posas arrest

Live-in partners swak sa rehas dahil sa pagtutulak

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang live-in partners na pinaghihinalaang drug pusher makaraang makompiskahan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buybust operation sa lungsod.

Sa ulat kay QCPD District Director, P/Brig. Gen. Redrico Maranan, kinilala ang naaresto na sina Robin Bernardo, 42 anyos, at Aubrey Fallorina, 42 anyos, kapwa residente sa Extension Project 8, Quezon City.

Naaresto ang dalawa sa anti-illegal drug operation ng Project 6 Police Station (PS 15) sa ilalim ni PLt. Col. Richard Mepania, nitong 3 Hunyo 2024 ng 11:30 pm sa  Project 8, Bahay Toro, Quezon City.

Nakompiska sa mag-live-in ang 38 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P258,400, isang black pouch, at buybust money.

Ang dalawa ay sasampahan ng kasong paglabag sa  RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa  Quezon City Prosecutor’s Office. (ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …