I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGPAANDAR na naman ng bagong kilig sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa twinning shirt na suot na may nakatatak na “Mahal Kita.”
Sa isang event nila isinuot ang shirts na ikinatuwa ng nagsi-ship sa kanila at nangangarap na maging sila na sa totoong buhay.
Natanong kay Alden sa isang interview si Kathryn at ang tanging sagot eh gusto niyang maging pribado ang anumang namamagitan sa kanila.
Of course, parang preparasyon ito ng gagawin nilang movie na sa Hong Kong at Canada isu-shoot. Para pag-usapan sila hanggang sa ilabas sa sinehan ang movie.
By that time, kondisyon na kondisyon na ang mga tao na totoong may namamagitan sa kanila para panoorin ang movie sa sinehan, huh!