PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NASOPLA na kung nasopla ni Diamond Star Maricel Soriano ang Senate investigation kaugnay ng PDEA leak dahil sa diretso nitong mga sagot sa tanong.
Nagmukha ngang engot ang mga nagtanong sa kanya lalo’t sa naging presence ni Maria despite the unverified reports, eh lumabas na wala naman palang saysay ang imbestigasyon.
Mula sa mga tanong sa ownership ng condo hanggang sa alegasyong binugbog ni Maria ang pinalayas niyang mga katulong, winner na winner ang imahe nitong mataray, palaban, at hindi takot.
Unlike nga naman sa ibang na-subpoena ng controversial figures para humarap sa senate hearing pero ni anino ay wala gayung naghuhumiyaw na ang mga ebidensiya. Iba ang Diamond Star- matapang nitong ipinakitang wala siyang anumang guilt sa pagsangkot sa kanya sa drug issue.