HARD TALK
ni Pilar Mateo
SUPER ang suporta ng MarVen sa tambalang Marco Gallo at Heaven Peralejo.
Na ipinadama sa mga bida ng Men are from QC, Women are from Alabang sa idinaos na premiere nito.
Relasyon ng dalawang magkaibang pananaw sa buhay at pag-ibig ang inikutan ng idinirehe ni Gino Santos na romance movie.
Patuloy na pinatunayan ng award-winning actress na si Heaven na kering-keri na talaga nito ang magdala ng pelikula. Na hindi naman nagpahuli si Marco sa mga eksena nila ng dramahan.
Kasalukuyan na itong ini-enjoy sa mga sinehan. At sana patuloy na suportahan ng kanilang mga tagahanga.
Umuwi with smiles in their faces ang mga naka-watch sa mistulang true-to-life ng mga eksena ng MarVen on the big screen.
Usap-usapan na si Heaven ang ina-eye ngayon sa Viva to do more challenging bida roles sa mga susunod niyang proyekto, huh!
Habol pa, ha!