Sunday , May 19 2024
Jerome Ponce Krissha Viaje Aubrey Caraan Keann Johnson Hyacinth Callado Gab Lagman

Direk Roni mananakot ngayong tag-init sa Sembreak

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SEMBREAK. Bakasyon ang naiisip natin ‘di ba?

Sa anim na seryeng ihahatid ng Viva Studio at Sari Sari simula Mayo 10, 2024, tuwing Biyernes matutunghayan ang ikot ng buhay ng mga estudyanteng magsasama-sama sa isang weekend getaway na magiging wicked getaway.

Mula sa direksiyon ni Roni Benaid, magsisiganap sa Sembreak sina Krissha Viaje, Jerome Ponce, Aubrey Caraan, Hyacinth Callado, Gab Lagman, Keann Johnson, Dani Zee, Rose Van Ginkel, at Felix Roco.

Sa isang lighthouse na iniiwasang puntahan ang magiging tampulan ng kanilang kasiyahan na malapit sa resort na kanilang pupuntahan.

May napansin lang ang marami sa press sa kakaibang ka-sweet-an nina Jerome at Krissha.

Sila na nga raw bang talaga? Dahil tila ang bilis naka-recover o nakabangon ni Jerome sa huli nitong relasyon.

At sa ilang tinuran ni Jerome parang nakalaan nang talaga ang mundo niya sa dalaga. 

Horror ngayong summer ang seryeng SembreakMary Cherry Chua at Marita ang dalawang horror movies na ginawa na ni direk Ron. Kaya hindi malayong we will be pushed to the edge of our seats in the confines of our homes sa pagtili sa mga kagulat-gulat na eksenang hatid ng serye.

Ano naman kayang klase ng katatakutan ang ibabalandra ni direk dito?

About Pilar Mateo

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …