HARD TALK
ni Pilar Mateo
SEMBREAK. Bakasyon ang naiisip natin ‘di ba?
Sa anim na seryeng ihahatid ng Viva Studio at Sari Sari simula Mayo 10, 2024, tuwing Biyernes matutunghayan ang ikot ng buhay ng mga estudyanteng magsasama-sama sa isang weekend getaway na magiging wicked getaway.
Mula sa direksiyon ni Roni Benaid, magsisiganap sa Sembreak sina Krissha Viaje, Jerome Ponce, Aubrey Caraan, Hyacinth Callado, Gab Lagman, Keann Johnson, Dani Zee, Rose Van Ginkel, at Felix Roco.
Sa isang lighthouse na iniiwasang puntahan ang magiging tampulan ng kanilang kasiyahan na malapit sa resort na kanilang pupuntahan.
May napansin lang ang marami sa press sa kakaibang ka-sweet-an nina Jerome at Krissha.
Sila na nga raw bang talaga? Dahil tila ang bilis naka-recover o nakabangon ni Jerome sa huli nitong relasyon.
At sa ilang tinuran ni Jerome parang nakalaan nang talaga ang mundo niya sa dalaga.
Horror ngayong summer ang seryeng Sembreak. Mary Cherry Chua at Marita ang dalawang horror movies na ginawa na ni direk Ron. Kaya hindi malayong we will be pushed to the edge of our seats in the confines of our homes sa pagtili sa mga kagulat-gulat na eksenang hatid ng serye.
Ano naman kayang klase ng katatakutan ang ibabalandra ni direk dito?