RATED R
ni Rommel Gonzales
GUMAGANAP na babaeng guwardiya si Irish Tan (bilang si Meryl) sa pelikulang Lady Guard ng Vivamax.
At sa tanong kung ano ang nais niyang bantayan sa kanyang buhay o sa kanyang sarili, may masakit na rebelasyon si Irish.
Lahad niya, “Para sa akin po siguro ang iga-guard ko is ‘yung puso ko, kasi sobrang dami ng napagdaanan at saka kailangan na talagang protektahan, damaged na damaged na po.
“Sa ex-boyfriend po. Almost ikasal na po ako kaso palpak pa rin po pala. Dapat ikakasal na ako last year kaso ayun, kasal na pala siya sa iba!
“Kaya sobrang… parang feeling ko, hindi ko alam kung tanga ba ako or what.
“Siguro next time iga-guard ko na mabuti ang puso ko.
“Siguro si Anthony na po,” ang sagot naman ni Irish na ang tinutukoy ay ang male lead sa Lady Guardna si Anthony Davao na gumaganap naman bilang si Janus.
Papayag si Irish na mamasukan bilang lady guard sa tunay na buhay sakaling iyon na ang nag-iisang trabahong maaari niyang pagkakitaan.
“For me siguro kakayanin. Kasi as long na wala ka namang tinatapakang tao at saka marangal naman po iyang trabahong iyan why not, ‘di ba, kung iyan lang ang option na mayroon ka.”
Ang Lady Guard ay idinirehe ni Bobby Bonifacio, Jr..