PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga salitang nagkokonek sa short hair ngayon ni Kim Chiu.
Mas mukhang bumata, sumeksi, nagka-appeal, at tila nilalagyan ng deeper meaning ang short hair ng aktres-host. Now lang kasi ginawa ni Kim ang magkaroon ng maiksing buhok.
Ang sabi ng ilan, ganoon daw talaga ang mga babaeng gustong mag-move forward after a failed relationship.
May mga nagsasabi namang marahil ay nakatagpo na ng new love o inspiration si Kim kaya ready na ito by starting to sport a
short hair.
Well, whatever is or the reasons are, Kim simply is extra pretty with her new hair.