Thursday , June 4 2026

Iniwan ng partner kelot nagbigti

BUNSOD ng pangu-ngulila matapos iwanan ng kanyang live-in partner, nagbigti ang isang 35-anyos lalaki kamaka-lawa sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ni PO3 Marlon A. San Pedro ang biktimang si Melchor Lim, miyembro ng Sputnik Gang at naninirahan sa #111 Duecos St., Quiapo.

Ayon kay PO3 San Pedro ng Manila Police District Homicide Section, dakong 2:30 p.m. nang magpakamatay ang biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Hu-ling nakitang buhay ang biktima dakong 7 a.m. nitong Sabado habang problemado sa paglalayas ng kanyang  live-in  partner ilang buwan na ang nakalilipas. Naiwan sa biktima ang 2-anyos nilang anak. Napag-alamang apat na beses nang nagtangkang magpakamatay ang biktima ngunit naisasalba ng mga kapitbahay.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …