TRADISYON na ang Santacruzan tuwing buwan ng Mayo na inaabangan ng mga Pinoy na pumaparada ang mga naggagandahang Sagala at nagguguwapuhang konsorte sa iba’t ibang komunidad.
At sa ganitong okasyon, nagtatagisan ang mahuhusay na fashion desingners sa kani-kanilang disenyong kasuotang pangsagala.
Sa darating na kapistahan ng Mahal na Krus sa barangay Libid sa Mayo 5, 5:00 p.m., masasaksihan ang Grand Santacruzan sa Libid Binangonan, Rizal na dadaluhan ng 25 barangay-Mainlad tampok ang maganda at mahusay na aktres, Ysabel Ortega na gagamitin ang gown na likha ni Patricia Bella Sisonat switch fiber para sa float.
Ayon kina Chairman Gil “Aga” Anore ng Sangguniang Barangay ng Libid, Sk Carl Antiporda, at Gomer O. Celestial ay isang tradisyon tuwing sasapit ang Pista ng Krus na makikiisa rin sa okasyon ang BKBng Libid at Sipnayang Performing Arts .