Friday , May 17 2024
Ina Raymundo Will Ashley Adolf Alix Jr

Will itinodo acting sa intimate scenes kay Ina

HARD TALK
ni Pilar Mateo

X & Y.  Sa alphabet kahit nasa dulo, powerful na mga letra. Ginagamit sa mga equation. Sa Math man o sa Science.

Eh, may pelikula. ‘Yan ang titulo na ginamit ng premyadong screenwriter na si Gina Marissa Tagasa sa dalawang main characters na sina Ysha at Xander. Sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr..

May-December affair. An empowered woman. Meets a young man at the verge of building his dreams. They meet at the crossroads of life. Where time is of the essence. That space between birth and death. 

Si Xander ang naging saksi sa kung paano g sinikap na ayusin ni Ysha ang buhay niya sa mga dinaaanan sa buhay.

First time  na nagsama nina Ina Raymundo at Will Ashley na nagsalo sa mga eksenang pang-R-13.

Kaysa naman magpaulit-ulit ng take sa kanilang intimate scenes, itinodo ni Will ang ini-require ni Direk Adolf na gawin nila ni Ina.

Ang pressure ay tinabunan ng pag-focus sa dapat na magawa para sa magandang kalalabasan ng eksena.

Ina has no qualms kung ang requirement na maging leading man niya ay kalahati ng edad ang agwat sa kanya. Siya naman mismo ‘di mo iisiping in her late 40s na.

Both actors have that itch to be part of a good project. Si Ina, ang gustong balikang muli ang paghamon sa sarili na pwedeng-pwede pa rin siyang makaganap sa mapaghamong role. At uhaw naman ang Will na may mapatunayan sa tinatahak na karera.

Masaya ang tandem na Adolf at Gina sa ginawa nila. Kinilig ang mga nanood sa bagong magic sarap na inihatid nina Ina at Will sa big screen. Na nagbigay ng bikig sa lalamunan sa mga binuksang tinalakay sa istorya ng dalawang nilalang. 

The gift of life. The wonder of time.  And wandering souls which crossed each other’s paths. 

Panoorin na sa mga sinehan  simula Abril 17, 2024.

Ageless Ina. Fresh Will. Si X & Y. Be with them sa isang road trip sa mga pagsubok sa bawat daan ng buhay. 

About Pilar Mateo

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Inday Fatima Ana Ramsey Queenay

Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay mga bagong host ni Willie sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKILALA na ang tatlong female co-hosts ni Willie Revillame sa bago niyang game show …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …