Friday , November 22 2024
Green card Las Piñas

Green card applications sa Las Piñas inaprobahan ni Vice Mayor Aguilar

APROBADO kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang ilang aplikasyon para sa Green Card program nitong 12 Abril.

Ito ay isa na namang mahalagang hakbang sa dedikasyon ng pamahalaang lungsod sa kanyang subsidiya sa programang pangkalusugan upang siguruhing matanggap ng mga residente ang mga importanteng benepisyo sa pangangalaga sa kalusugan na kanilang kailangan.

Ang inisyatiba ng Green Card ay proyekto ng yumaong Mayor Vergel “Nene” Aguilar na layuning magbigay ng  healthcare services na mas masasandalan ng mga Las Piñero na sumasalamin sa legasiya nitong tiyakin ang kanilang kalusugan at kagalingan sa komunidad.

Sa pamamagitan ng naturang programa nais ng lokal na pamahalaan na naihahatid ang mga benepisyong pangangalaga sa kalusugan kasama na rito ang mga subsidiya sa gamot at mga suportang serbisyo sa mga residente.

Personal na inaaprobahan ni Vice Mayor Aguilar ang naturang proseso upang bigyang-diin ang kanyang aktibong papel sa pangangasiwa sa pampublikong pangkalusugan at pagkilala sa legasiya ng pamilyang Aguilar sa serbisyo publiko.

Personal ang pagtutok ng bise-alkalde sa pag-aaproba ng aplikasyon bilang pagpapatibay sa mensaheng ang accessible healthcare ay nananatiling pangunahing prayoridad ng lokal na pamahalaan.

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …