Monday , November 25 2024
DOST upgrades products of Lechon sauce enterprise in Iligan with various sci-tech interventions

Enterprise-based education & training nakatutugon sa kawalan ng trabaho

BILANG REAKSIYON sa pagbaba ng unemployment rate noong Pebrero, binigyang-diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pangangailangan na i-institutionalize ang enterprise-based education and training program para mapalakas ang pagsusumikap ng gobyerno na makapagbigay ng marami pang trabaho para sa mga Pinoy.

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng unemployment rate mula 4.5% o 2.15 milyon noong Enero 2024 sa 3.5% o 1.8 milyon nitong Pebrero 2024, mas mababa sa 4.8% o 2.47 milyon noong Pebrero 2023.

Dagdag ng PSA, bumaba rin ang underemployment mula sa 13.9% noong Enero sa 12.4% nitong Pebrero 2024.

“We are formulating a comprehensive set of labor policies targeting both the demand and supply sides of the labor market to effectively address the persistent issue of unemployment and underemployment,” sabi ng majority leader.

“Bukod po sa pagsiguro na may trabahong naghihintay sa bawat Filipino, kailangan rin po nating siguruhin ang kakayahan ng ating mga manggagawa para tugunan ang pangangailangan ng industriya,” dagdag niya.

Itinaguyod ni Villanueva, pangunahing nagsulong ng Trabaho Para Sa Bayan o Republic Act No.11962, ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act sa Senado noong 5 Marso 2024. Ang batas na ito ay priority measure ng Marcos administration sa huling Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting.

“We are grateful to the President for recognizing the significance of our proposed game-changing measure and for urging both Houses of Congress to prioritize it,” ani Villanueva.

Layunin ng Senate Bill No. 2587 o EBET Framework Act, na punan ang puwang sa pagitan ng mabilis na pag-unlad ng mga industriya at ang kinakailangang kasanayan o skills ng mga manggagawa.

“This measure is the key to solving the problem of unending job-skills mismatch, which is a factor in the volatility of our unemployment and underemployment rates.  Institutionalizing the EBET will address the inability of education to catch up with evolving technology and digitalization of industries in the Fourth Industrial Revolution or Industry 4.0,” ayon kay Villanueva.

Ang enterprise-based training ay nakikitang isa sa mga ‘top driver’ ng trabaho sa mga tech-voc courses, kasama ang in-company training and learnership na may pinakamataas na employment rates sa iba pang anyo ng pagsasanay, mula 86.26% batay sa 2020 at 2021 Studies on the Employment of Tech-voc Graduates.

Ayon sa panukala, ang EBET Framework Act “will strengthen, rationalize, and harmonize programs, such as apprenticeship, learnership, and the dual training system, under an EBET framework, which shall be competency-based and industry-driven, and with due regard to the rights and occupational safety and health of trainees, through the active participation of employers, trainees, technical-vocational institutions, and the government.”

“The objective is to unify all modes of enterprise-based training programs under one framework to enhance the skills of our new entrants to the labor force and to upskill those already employed, ensuring their employability and meeting the demands of the rapidly evolving world of work,” ani Villanueva.

Binigyang-diin ng dating opisyal ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kahalagahan ng pakikilahok ng pribadong sektor bilang malakas na kasosyo sa pagbuo ng mga module at competency standards sa pagsasagawa ng mga programa ng EBET.

“Let our jobseekers learn directly from industry experts. The involvement of our industry partners is crucial in ensuring that skills and competencies align with their requirements,” pagtatapos ng majority leader. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …