Friday , May 17 2024
marian rivera heart evangelista

Heart tinawag na madam at queen si Marian  

MA at PA
ni Rommel Placente

IKINATUWA ng mga fan ni Marian Rivera ang ginawang pagbati sa kanya ng international fashion icon na si Heart Evangelista sa pamamagitan ng video message para sa bago nitong serye sa GMA 7, ang  My Guardian Alien.

Nagsimula na noong Lunes,  April 1, ang GMA Prime series na magsisilbi ngang comeback teleserye ni Marian makalipas ang limang taon.

Co-star ni Marian sa serye sina Gabby Concepcion, Raphael Landicho, Gabby Eigenmann, Max Collins, Kiray Celis at marami pang iba mula sa direksiyon ni Zig Dulay.

Marami ngang na-good vibes sa pag-congratulate ni Heart kay Marian sa pagbabalik nito sa primetime.

“It gives me so much pleasure to congratulate you, Madam Marian, because finally, after many, many years, you are back where you belong, on GMA Prime,” ang simulang pagbati ni Heart kay Marian sa video message.

From my heart to yours, congratulations, and welcome back, Queen of Primetime,” aniya pa.

O ‘di ba, nabalik na talaga ang friendship nina Heart at Marian after nilang magkaayos. At bongga ang message ng una sa hulil, dahil tinawag pa niyang madam at Primetime Queen si Marian, na sa totoo naman ay ito talaga ang title ng wifey ni Dingdong Dantes. 

About Rommel Placente

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Inday Fatima Ana Ramsey Queenay

Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay mga bagong host ni Willie sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKILALA na ang tatlong female co-hosts ni Willie Revillame sa bago niyang game show …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …