Wednesday , June 24 2026
Dennis Padilla Leon Barretto

Dennis at anak na si Leon Barretto okey na rin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAPOS magkaayos nina Julia Barretto at Dennis Padilla, sumunod naman ang lalaking anak niyang si Leon.

Binati ni Dennis ang nag-iisang anak na lalaki niya kay Marjorie Barretto nang magbirthday noong April 2. Ika-21 iyon ni Leon.

Idinaan ng aktor ang pagbati sa kanyang Instagram account kalakip ang selfie photo hawak ang mensahe sa anak at ang throwback picture nilang mag-ama noong bata pa si Leon.

Mensahe ni Dennis, “Dear Leon Marcux (tunay na pangalan ng anak)…

 “Happy b-day anak.

“God bless you more.

“Papa, April 2/24.”

May caption naman itong, “Dear Leon… Happy birthday anak!! Love you… Hope to see you soon (praying hands, cake, heart emojis).”

Sinagot naman ito ni Leon ng, “Thank you Papa (smiling, praying hands emojis).”  

Maraming netizens ang natuwa sa palitan ng mensahe ng mag-ama na after nga naman ng maraming taon na hindi pagkakaunawaan, heto’t nagka-ayos na rin sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …