Monday , December 23 2024
KWF PNU UP DLSU

Lagdaan ng Kasunduan ng KWF, PNU-LSC, UP-Lingg, at DLSU-Filipino para sa idaraos na Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika

Idinaos ang lagdaan ng Memorandum ng Kasunduan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Language Study Center ng Philippine Normal University (LSC-PNU), Departamento ng Linggwistiks ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UP-Lingg), at Departamento ng Filipino ng De La Salle University (DLSU-Filipino) para sa isasagawang Ikalawang Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika o International Conference on Language Endangerment (ICLE). Ginanap ito noong 15 Marso 2024 sa opisina ng KWF sa Malacanang Complex, San Miguel, Maynila.

Dinaluhan ito ng mga opisyal at empleado ng KWF sa pangunguna ni Tagapangulong Arthur P. Casanova, at mga kinatawan ng PNU na sina Dr. Denmark L. Yonson, Vice President for Student Success and Stakeholder Services at Dr. Joel C. Malabanan, Puno, PNU-LSC; kinatawan ng DLSU na sina Dr. Rhoderick V. Nuncio, Dekano ng Kolehiyo ng Malayang Sining, Dr. Rowell Madula, Tagapangulo ng DLSU-Filipino, at mga propesor na sina Dr. Deborrah Sadile Anastacio at Dr. David Michael San Juan; at kinatawan ng UP-Lingg na sina Dr. Maria Kristina S. Gallego, Tagapangulo, UP-Lingg at Bb. Jurekah Chene Abrigo.

Ang ICLE ay tatlong araw na in person na kumperensiya na magsisilbing venue para sa mga eksperto, iskolar ng wika, mananaliksik-wika, mga miyembro ng katutubong pamayanang kultural upang maibahagi ang mga pag-aaral, karanasan, at magpalitan ng idea sa pagtugon sa mga isyung may kaugnayan sa panganganib ng wika.

Layunin nitong mabigyan ng kakayahan at kapangyarihan ang katutubong mamamayan o indigenous peoples (IPs) sa pamamagitan ng kanilang pakikisangkot sa pagbuo ng mga patakaran, programa, at pananaliksik para sa pangangalaga ng kanilang wika.  Kinikilala ng ICLE 2024 ang angking kakayahan at kakanyahan ng mga IPs sa pangangalaga ng kanilang sariling wika at kultura.  Sa International Decade of Indigenous Language (IDIL) 2022-2032 Global Action Plan (GAP), tinukoy ang mga IP bilang isa mga key target na pangkat na mahalagang maisangkot sa mga gawaing pangwika.  Bilang IPs, sila ang mangunguna sa pagbabago, sila ang may karapatan at tungkulin na magsalin o magtransmit ng kanilang wika sa susunod na henerasyon.  Ngunit hindi nila ito magagawang mag-isa kung walang tulong mula sa mga ahensiya ng pamahalaan, institusyon, organisasyon, eksperto, mananaliksik, at iba pang entidad.

Kayâ, sa ICLE 2024, itatampok ang mga pag-aaral na nakatuon sa mga nabuo/binubuong patakarang pangwika, pagdodokumento ng wika, pagpapasigla ng wika, IP education, community-based program, at iba pang paksang makatutugon sa pangangalaga ng katutubong wika.     

Nakatakda itong idaos sa 9–11 Oktubre 2024 sa PNU Main Building Auditorium. Abangan ang mga pabatid para sa panawagan sa papel-pananaliksik at pagtanggap ng mga kalahok.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …