Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Kathryn Bernardo

Alden at Kathryn madalas mag-usap, friendship ‘di nawala   

MA at PA
ni Rommel Placente

INIHAYAG ni Alden Richards na never naputol ang komunikasyon at friendship nila ni Kathryn Bernardo.

Ito ang sinabi ng aktor sa panayam sa kanya ng ABS-CBN ukol kay Kathryn na nakasama niya sa pelikulang Hello, Love, Goodbye noong 2019. Bagamat ilang taon na ang nakalilipas hindi nawala ang pagkakaibiggan nila at kahit hindi sila nagkikita sa loob ng ilang taon. 

Hanggang ngayon ay nakakapag-usap pa rin sila ng dating leading lady. Siyempre pa, very proud ang gwapo at mahusay na aktor sa mga recent achievement ni Kathryn at sa matatapang na desisyon at diskarte nito sa buhay at career.

“Nakatutuwa na I’m really seeing her parang coming out of her shell,” sabi ni Alden.

“Kita mo sa kanya, eh. It manifests. The photos and videos that we see, and the projects that she has been doing, really says a lot about her state of mind right now.

“And the condition of her life right now, she deserves that,” pahayag pa ni Alden sa naturang interview.

Nakatutuwa lang malaman na hindi natapos ang pagkakaibigan nina Alden at Kathryn after nilang magsama sa Hello, Love, Goodbye. Hindi tulad ng iba, na after magkatrabaho at magkasama sa isang proyekto ay walan na ang communication. Hanggang taping/shooting friends lang sila.

Well, marami ang may clamor na sana ay magkaroon ng part 2 ang HLG. Sana nga   ay maisipan ‘yun ng Star Cinema na siyang producer ng pelikula. Bitin kasi ang ending ng Hello, Love. Goodbye na kailangan talaga itong magkaroon ng part 2.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …