Thursday , June 4 2026
Gelli de Belen

Gelli isasantabi muna pagtira sa Canada

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAPAGKASUNDUAN na pala ng mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera na rito na muna sila ulit magbase sa Pilipinas ang kanilang pamilya. 

Noon ay sa Canada na sila naninirahan komo naroon ang pamilya ni Ariel. Ito iyong mga panahong kasagsagan ang Covid-19 sa buong mundo. Napag-isip-isip daw nila na nandito sa Pilipinas ang mga trabaho nila at mahirap nga naman kung sa Canada sila maninirahan. 

Ito ay sinabi ni Gelli sa preskon ng Si Manoy Ang Ninong Ko na isa sjya sa mga co-host ni Cong Wilbert T Lee na muka sa Agri Partylist. Ito ay isang public service program na bumaba sila sa grassroots para matulungan ang mga tao hindi lamang para mamigay ng ayuda kundi turuan o gabayan sila sa mga trabahong ikinabubuhay nila.

Reluctant daw noong una si Geli na tanggapin ang trabaho pero nasaksihan niya ang sincerity ng kongresista sa pagtulong sa mga mahihirap nating kababayan.

Bukod kay Gelli, kasama rin sa show sina Sherilyn Reyes Tan at Patricia Tumulak

Masuwerte si Cong Willy na makasama ang tatlo at naniniwala sa kanyang advocacy. Ang Si Manoy Ang Nnong Ko ay mapapanood tuwing Linggo, 7:00 a.m. sa GMA 7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …