Friday , May 17 2024
Valenzuela city magtatayo ng command center Nagbigay pa ng 2 swat van

Nagbigay pa ng 2 swat van
Valenzuela City magtatayo ng command center 

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Day ng Valenzuela, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang groundbreaking ng One Valenzuela Command Center na magsisilbing satellite office ng ALERT sa Barangay Paso de Blas.

Ang apat na palapag ng gusali na ito ay maglalaman ng Valenzuela City Command, Control, and Communication Center (VCC3), Traffic Management Office (TMO), Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO). ), Philippine National Police (PNP) Office, Anti-Cyber Crime Unit, Electric Vehicle Charging Station, at Radio Tower.\

Makakatulong ang command center sa layunin ng lokal na pamahalaan na itaguyod sa lungsod ang kaayusan at katahimikan.

Kasabay nito, nagturn-over din si Mayor WES ng mga service vehicle sa Valenzuela Police at sa Brgy. Gen. T. de Leon at dalawang van para sa Special Weapon ang Tactics (SWAT) team.

Ang dalawang SWAT van na ito ay partikular na idinisenyo upang mag-imbak ng kanilang mga kagamitan o arsenal para bigyang kapasidad ang mga tauhan ng SWAT na tumugon nang mabilis sa mga high-risk na misyon.

May jump seat sa likuran ng passenger area, bench seats na may aluminum cabinet, pin lights, mga cabinet na may arm racks, overhead grab handle, roof rack para sa sniper, grill bars sa magkabilang gilid ng bintana, grab bars at foothold, run flat na gulong at mags, blinkers at sirena, pati na ng 360-degree camera na may monitor ang SWAT vehicle.

Ambulansiya naman ang naipamahagi ng pamahalaang lungsod sa Brgy. Gen. T. de Leon bilang karagdagang sasakyan sa pagkakaloob ng serbisyo. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Sipat Mat Vicencio

Tiyak na sibak si Sen. Bato sa eleksiyon

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung inaakalang manananalo pa siya …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …