Wednesday , December 18 2024
shabu drug arrest

Mekaniko kulong sa P.3-M bato

SWAK sa selda ang isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy- bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela City  police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong suspek na si alyas Butchoy, 23 anyos na isang motorcycle mechanic  na residente ng S. Bautista St., Brgy., Mapulang Lupa.

Sa kanyang ulat sa Northern Police District (NPD), sinabi ni Col. Destura na bago ang pagkakaaresto sa suspek ay nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano nito ng shabu sa kanilang lugar at kalapit na mga barangay.

Dahil dito, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez ang buy bust operation kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P9,500 halaga ng droga.

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money na may kasamang mga boodle money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba sa tapat ng kanyang bahay dakong alas-2:10 ng medaling araw.

Nakumpiska sa suspek ang aabot 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00, bust money na isang 500 bill, kasama ang siyam na P1,000 boodle money, P2,300 recovered money, cellphone at coin purse.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …