Friday , May 17 2024
Aga Muhlach Julia Barretto

Pelikula nina Aga at Julia may hagod sa puso

RATED R
ni Rommel Gonzales

WALA kaming masyadong ini-expect sa Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko, basta kampante na kami na okay ang movie dahil may Aga Muhlach na, may Julia Barretto pa.

Medyo nag-alangan lang kami noong napanood ang trailer, may pagka-musical kasi, and alam natin na hindi singer sina Aga (na gumanap bilang music coach) at Julia (bilang choir leader).

Pero surprisingly, naitawid nilang pareho na maayos at maganda ang pelikula. Hindi naman mala-Glee(sikat na American musical series) o The Sound Of Music (classic Hollywood film) pero pasado na rin ang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko.

Maayos, plantsado at halos walang butas ang script, simple pero may hagod sa puso.

Masarap ding pakinggan sa tenga ang bagong areglo ng mga kanya ni George Canseco na isa sa mga inikutan ng pelikula…iyon bang classic songs pero ginawang Gen Z ang tunog.

Iba rin talaga kapag babae ang direktor ng isang romance film, iba ang kilig.

Si Denise O’Hara ang captain of the ship ng pelikula.

Naalala at na-miss tuloy namin si direk Binibining Joyce Bernal na reyna noon sa Viva Filmspagdating sa mga romance at romcom films.

Si direk Denise, marunong mag-punchline sa ilang mga eksena, pasok ang ilang pakuwela nina Julia, Aga, at Nonie Buencamino.

At ‘yung kemistri nina Aga at Julia, iba, suwabe, hindi pilit at hindi kailangang ipilit.

For sure, proud sina Charlene Gonzales at Atasha at Andres Muhlach habang pinanonood si Aga, ganoon rin malamang ang pakiramdam ni Marjorie Barretto at iba pang family and friends ni Julia na naroroon sa premiere night pelikula noong February 6 sa Cinema 2 ng SM Megamall.

Palabas ngayon sa mga sinehan ang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko, hindi naman kayo magsisisi kapag pinili niyo itong panoorin.

About Rommel Gonzales

Check Also

Cassie Kim

Cassie Kim aabangang kontrabida; Andrea iniidolo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MABAIT sa tunay na buhay si Cassie Kim kaya naman sobra siyang …

Kelvin Miranda Kira Balinger Catherine Camarillo 

Direk Catherine positibong may laban Chances Are You and I sa JAIFF

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO si direk Catherine ‘CC’ Camarillo na hindi niya inaasahang makukuha o …

Gene Juanich Star Awards

Gene Juanich waging Best Regional Broadway Actor sa 14th Star Awards for Music

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MULA sa natamong parangal ni Gene Juanich sa 14th PMPC Star …

Prince Keino Noreen Divina

Prince Keino nakiisa sa outreach program ni Nailandia owner Noreen Divina

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL matalik na magkaibigan ang Nailandia owner na si Noreen Divina at talent …

Kanta ni  Denin Sy

Kanta ni  Denin Sy naka-36k agad in a month sa Spotify

MATABILni John Fontanilla AFTER a month ay tumabo na sa 36k ang stream ng newest …