Dingdong Dantes Marian Rivera Jose and Maria Bonggang Villa

Dong at Marian produ rin ng kanilang sitcom

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BONGGANG-BONGGA ang mga kaganapan sa Jose and Maria Bonggang Villa 2.0 sa GMA 7.

Hindi lang basta mga artista sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil co-producers din sila ng sitcom.

Sa on-going season 2 ng show, na-doble 

ang mga nakaaaliw na sitwasyon ng mag-asawang Jose at Maria dahil sa kompetisyon na dala ni Pokwang.

Pinatatakbo ni Pokwang bilang Tiffany ang Bed & Breakfast @Tiffany’s, kakompetensiya ng negosyo ng couple.

Iba rin ang sayang hatid ng mga co-star nilang sina Benjie Paras as Mr. Nero, the peculiar all-around guy of Bonggang Villa; Pekto as Sol Banayad, a hotel personnel and notorious former akyat bahay; Shamaine Buencamino as Mama Au, Maria’s sharp-tongued mom; and Pinky Amador as Mommy Janice, Jose’s socialite mom.

This is indeed a good breather. Masayang magtrabaho, maging co-producer ng show at makipag-bonding sa mga kasama naming pamilya ang turing sa isa’t isa,” sey pa ni Dingdong.

Lumalabas ang pagka-kengkoy ng mag-asawa dahil natural comedians din sila kagaya ng mga kasama nila.