I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGAWA pang depensahan ng aktor na si Dominic Roque ang ex-fiance niyang si Bea Alonzomatapos mabulilyaso ang kasal nila.
Sa kanyang latest post sa Facebook account niya, isang picture nila ni Bea ang inilabas ni Dominic at maycaption na, “Bea’s beautiful person insice n out…no hate/bashing/negative things please.”
Kaugnay ng hiwalayan ng dalawa, nakiusap naman si Boy Abunda na huwag magbigay ng speculations sa hiwalayan. Si Boy kasi ang nagkompirma na hiwalay na ang dalawa sa kanyang Fast Talk show.
Mas malaking artista kasi si Bea kompara kay Dom. Very visible pa habang wala kaming alam kung ano ang showbiz projects ni Dom o business kaya.
Sabi nga ni Manay Lolit Solis, it takes two to tango. Communication is the key sa dalawang nagmamahalan na may pinagdaraanan, huh!