Thursday , May 8 2025

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 28)

ALALA NI MARIO NANG MAKAPASA SA BAR ANG ANAK NI KA LANDO AT ISA SIYA SA  BUMATI

 

“Isa ang anak ni Tatay Lando sa mga nag-top sa bar exams nu’ng nakaraang taon,” si Mario, para nang naglalakbay ang diwa.

Hindi magkamayaw noon sa tuwa ang taong malalapit kay Tatay Lando. Ang malaking sombrero ni Baldo na ipinaikot sa isang manggagawa sa mga ka-manggagawa ay  nakalikom ng pambili ng limang kahon ng beer. Isa’t isa sa mesang kinauumpukan ng mga may hawak na tagay ng beer ay  naki-kipagkamay at masiglang bumabati sa matandang lalaki.  Nakipagdaop-palad din si Mario kay Tatay Lando. At pagkaraan, nakisabay siya sa sabay-sabay pagtungga ng inumin.

“Mabuhay ang bagong abogado ng uring anak pawis!”

“Mabuhayyy!”

Isang malalim na mensahe ang binitiwan ni Tatay Lando sa okasyong ‘yun.

“Bilang isang magulang, natutuwa ako sa pagtatapos ng aking anak na si Junior. Pero sa isang banda ay hindi lubos ang kasiyahan ko. Sa lipunan natin, ilan lang ba ang tulad ng anak ko na nakaigpaw sa pagkakait ng pantay na karapatan, pagkakataon at kalayaan upang mapaunlad ang sarili?”

Napatunganga si Mario sa matandang lider manggagawa. Sa kanyang pananaw kasi, kahit ordinaryong obrero lamang siya ay higit pa rin silang mapalad ni Delia sa nakararaming naghihikahos na pamilya sa kanilang paligid. Magkaiba, ibang-iba ang pana-naw ni Tatay Lando sa kanya.

(Subaybayan bukas)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …

Krystall Herbal Oil

Pantal at butlig pagkaligo sa ilog tanggal sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall Herbal Oil

Krystall Herbal Oil garantisadong panlaban sa heat wave

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

PAPI Senate Survey

Bong Go, Marcoleta, at Tulfo Nanguna sa Kalye Survey ng mga Motorista at Mamimili sa Palengke

Nanguna sina Senator Bong Go, Rep. Rodante Marcoleta, at broadcaster Erwin Tulfo sa isang kalye …

GameZone 1

GameZone sets Tongits battlefield with GTCC: Summer Showdown

Participant of 2024 Tongits Champions Cup celebrating. GameZone ignites the summer season with the sizzling …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *