Friday , May 17 2024
Rhen Escano CC6 Online Casino

Rhen Escaño sinuwerte sa P50; ‘di feel magpa-breast enhancement

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAPANIWALA pala sa lucky charm si Rhen Escano. Paano naman talagang sinuwerte siya nang maglagay ng P50  sa likod ng kanyang cellphone.

Ayon kay Rhen sinuwerte siya lalo sa kanyang career pagpasok ng 2024. Isa na rito ang pagiging ambassadress niya ng CC6 Online Casino.

Effective po pala maglagay ng P50 sa likod ng phone mo noong New Year. Kasi ginawa ko po ‘yun. ‘Di ba, may ganoon? For money luck daw ‘yun. So, ginawa ko, wala namang mawawala eh.

“Tapos after how many days, so here we go. Next year po gawin n’yo,” ani Rhen sa launching ng bago niyang endorsement, ang CC6 Online Casino noong January 19.

Bukod sa bago niyang project, mapapanood din siya sa hit Kapamilya series na Can’t Buy Me Love nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

Nagulat nga rin po ako, kasi noong isinali po nila ako sa cast, ipinaalam lang po nila sa Viva (her talent management) na three taping days. And then naging five, and then pina-book na po nila ako until next year. So, ito na nga,” nakangiting pagbabahagi pa ni Rhen. 

“So dahil pinahaba po nila ‘yung character, at may ibinigay silang story sa character, parang ganoon. And nakapag-taping na ako actually niyong mga importanteng eksena.

“So, may dahilan kung bakit hindi niyo siya masyado nakikita roon sa mga previous na scenes. So ‘yun, and happy kasi bumabalik na ulit…hindi naman nalaglag sa top 10 sa Netflix, and sobrang daming viewers talaga, lalo na ngayon…

“As in I swear, papunta pa lang tayo sa exciting part. As in sobrang daming mangyayari,” sabi pa ni Rhen.

Marami pang pasabog sa serye pero siyempre hindi pa niya pwedeng ikuwento.

Naikuwento rin ni Rhen, na lalo silang naging close ni Donny sa kanilang serye gayundin ng ibang cast.

Bago po ako pumasok doon, magkakilala na kami ni Donny. Kasi may mga common friends din kami. Tapos may movie rin sila na ipalalabas.”

Samantala, dahil sa mga charity works ng CC6 Online Casino kaya tinanggap ni Rhen ang endorsement.

Aniya, makakasama siya sa mga advocacy project ng company lalo na sa February na ipagdiriwang ang third anniversary ng kompanya.

I’m so excited to be part of this. Iyon naman ang gusto natin, lagi tayong may purpose.

“And to express our heartfelt appreciation, we prepared a special anniversary gift package for 10M members, and we’ll be distributing P10-B to members and charitable causes throughout the celebration,” sabi pa ni Rhen.

Ipinakilala si Rhen bilang endorser ng CC6 Online Casino ni Ms. Jev Frago, CC6 Marketing head kasama ang kanyang manager na si Tita Aster Amoyo.

Sa kabilang banda, wala namang planong magpa-breast enhancement si Rhen matapos may manglait sa kanya at sabihing  “flat” siya. Na ang tinutukoy ay ang kanyang hinaharap.

Ani Rhen, hindi babagay sa kanya ang magpalaki ng boobs dahil big boned siy.

“Malaki akong tingnan tapos ‘yung timbang ko tama lang tapos kapag nagpa-enhance ako hindi babagay,” katwiran ng magandang dalaga.

Sinabi pa ni Rhen na hindi makatutulong sa kanyang hitsura ang pagpapa-enhance. “And I think hindi siya maganda sa hitsura ko lalo na sa screen.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Inday Fatima Ana Ramsey Queenay

Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay mga bagong host ni Willie sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKILALA na ang tatlong female co-hosts ni Willie Revillame sa bago niyang game show …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …