MATABIL
ni John Fontanilla
HUMUHUGOT sa social media ang former Starstruck alumni na si Iwa Moto na base sa obserbasyon ng netizens ay may matinding pinagdaraanan sa kanyang buhay. Na sunod-sunod nga ang naging post nito sa kanyang Instagram account.
Nababahala nga raw ang mga netizen sa ilan sa mga post ni Iwa katulad ng, “I want to sleep forever and never wake up, to escape the pain of reality.”
Pero mas pinipili pa rin nitong ngumiti, umaabot daw ito na pagod na, “Today was really a tough day for me… but im choosing to smile. Because I know it just a bad day. Not a bad life… pero juskooo pagod na akoooo….
“Be strong and smile even if life hurts sometimes,” ani Iwa.