IBINAHAGI ng singer-actor na si Juan Karlos sa social media ang isang nakatutuwang pag-uusap nila ng isang pari.
Sa kanyang Facebook account, sabi niya,“Nag sorry ako kanina sa isang pari kasi nagmura kami ng audience sa ERE.”
At ang response naman daw sa kanya ng pari ay, “Okay lang ‘yan, naiintidihan naman ni Lord.”
Sa ngayon ay nakatanggap na ng mahigit 50,000 reactions ang post ni JK.
“Love you father,” dagdag ng singer sa comment section.
Ang “ERE,” na naglalaman ng mga salitang sumpa sa lyrics nito, ay isa sa mga track sa pinakabagong album ni Juan Karlos, “Sad Songs and Bullshit Part 1.”