Sunday , December 22 2024
Norzagaray Bulacan

P120.4-M bayad ng NAPOCOR sa Norzagaray, panimulang pondo para sa bagong ospital

ILALAAN bilang panimulang pondo sa paglilipat ng lokasyon ng Norzagaray Municipal Hospital ang halagang P120.4 milyong Real Property Tax (RPT) ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa pamahalaang bayan ng Norzagaray.

Ayon kay Norzagaray Mayor Ma. Elena L. Germar, kasalukuyang sa Barangay Poblacion nakatayo ang ospital na target ilipat ng pamahalaang bayan sa isang ektaryang solar sa Barangay Bitungol.

Ipinaliwanag ng alkalde na masyado nang masikip ang kinalalagyan ng ospital sa Poblacion, kaya’t makatwiran aniyang mailipat sa Bitungol na isang barangay sa Norzagaray at mas nasa estratehikong lugar.

Magkakaroon ng 25 hanggang 50 bed capacity ang planong mas malaking ospital. Kasalukuyang nirerepaso ng Department of Health (DOH) ang proyekto, upang malaman kung magkano ang magiging counterpart ng pamahalaang nasyonal sa proyektong ito sa ilalim ng Health Facilities and Enhancement Program (HFEP).

Tinatayang nasa P250 milyon ang kinakailangan upang maisakatuparan ang proyekto kaya’t para kay Mayor Germar, malaking bagay ang P120.4 milyon bilang panimula.

Ito ang RPT ng NAPOCOR sa pamahalaang bayan mula 1996 hanggang 2006, para sa mga makinarya at lupain na ginagamit at kinatatayuan ng Angat Hydro- Electric Power Plant sa Angat Dam na nasa Norzagaray. 

Lumilikha ito ng 218 megawatt supply ng koryente mula sa tubig ng Angat Dam.

Ipinaliwanag ni Mayor Germar, ang kabayarang ito ay resulta ng desisyon ng Korte Suprema na may obligasyon ang NAPOCOR na bayaran ang RPT nito sa machineries assessment mula 1 Enero 1996 hanggang Disyembre 2005 sa halagang P113.9 milyon.

Habang ang P6.4 milyon sa land assessment sa panahong mula 1 Enero 1996 hanggang 31 Disyembre 2006.

Dating pag-aari ng NAPOCOR ang nasabing planta ng koryente hanggang taong 2009 bago maisailalim sa privatization sa bisa ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) o ang Republic Act 9136. Naipatupad ito sa ilalim ng administrasyon ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ang nasabing batas ay nagsasapribado ng mga planta ng koryente upang makatulong sa modernisasyon at mapalawak ang kapasidad sa paglikha ng koryente.

Mula rito ay pinadadaloy sa mga power grid, sa pamamagitan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang koryente hanggang makarating sa mga power distribution utilities tulad ng Manila Electric Company (MERALCO) at mga power cooperatives.

               Pormal na naisapribado ang Angat Hydro Electric Power Plant sa Korea Water Resources Inc., o K-Water sa halagang US$439 milyon. Kasosyo nito ang Angat Hydropower Corporation ng San Miguel Corporation Global Power. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …