ITINANGHAL bilang Best New Male Artist si Jeri Violago o mas kilala bilang Jeri sa katatapos na Aliw Awards na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel noong December 11.
Ang Aliw Awards ay pinakamatagal ng award-giving body na nagbibigay-halaga sa mga achievement sa live entertainment circuit.
Ikinasiya ni Jeri ang pagpapahalagang natanggap dahil hindi pa man siya masyadong nagtatagal sa entertainment ay agad siyang binigyang pakilala.
Kamakailan ay inilunsad ni Jeri ang kanyang first single na Gusto Kita mula Tarsier Records ng ABS-CBN’s Star Music.
Ang Gusto Kita ay komposisyon at co-produced nina Vehnee Saturno at Jeri at mapakikingan na ngayon sa iba’t ibang streaming platforms.