Friday , May 9 2025
Jeri Violago

Jeri pwedeng maging singing heartthrob — Vehnee Saturno

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI talaga maitatago ng baguhang singer na si Jeri Violago na kamukhang-kamukha niya ang aktor na si Matteo Guidicelli. Mabuti na lamang at hindi priority ni Jeri ang pag-arte dahil mas gusto niyang tutukan ang pagkanta.

Kamakailan, inilunsad ni Jeri ang kanyang single na Gusto Kita under Tarsier Records  na iniaalay niya sa kanyang mga supporter. 

Napakasuwerte ni Jeri dahil todo ang suportang ibinigay sa kanyang paglulunsad nina Jonathan Manalo at Vehnee Saturno. Present din ang buong Violago family.

Puring-puri nga siya ng dalawa  at naniniwalang malayo ang mararating nito bilang singer at songwriter.

“I feel like this is the first step towards achieving my dream and I’m so happy and excited,” ani Jeri.

“Noong kumanta ako, nagulat nga po family ko kasi hindi nila alam na mayroon pala akong boses. I said basta maka-graduate ako, ipu-pursue ko itong music career,” pagbabahagi ni Jeri na tumanggi sa alok ng kanyang ama na siya ang magpatakbo ng kanilang rice mill business sa San Jose, Nueva Ecija para lang masunod ang pagkahilig at pagmamahal sa musika. 

Ang Gusto Kita  ang napiling debut single ni Jeri dahil  marami ang makare-relate na kabataan dito.

“I want it chill and coo. I want listeners to feel the vibe. I want to transport them to that special moment in their life when they were falling in love,” ani Jeri.

Sa launching ay ipinakita rin ang music video ng Gusto Kita na napapanood na sa YouTube. Sa MV ay kasama ni Jeri ang It’s Showtime host na si Jackie Gonzaga.

At ngayong unti-unti nang natutupad ang pangarap ni Jeri umaasa siyang marami pa siyang kantang maipo-produce at maiparirinig sa kanyang supporters lalo’t hilig din niya ang magsulat ng mga kanta.

Umaasa rin siyang makaka-collab ang mga idolong Ben&Ben at si Zack Tabudlo.

Samantala sinabi ni Vehnee na, “Jeri has all the good qualities to make him a top singing heartthrob.

“He’s got a good voice, he’s well bred, he’s good looking and very talented and he has great appeal to the fans.”

Ang Gusto Kita ay available sa Spotify at iba pang digital music platforms.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Frankie may panawagan sa lahat ng mayor sa Pilipinas

MA at PAni Rommel Placente NAGPATAWAG ng mediacon ang mag-inang Roselle at Atty. Keith Monteverde …

Nora Aunor Bongbong Marcos Ian de Leon Matet de Leon

Nora muling binigyang pugay ni PBBM, Lotlot nagpasalamat

MA at PAni Rommel Placente NOONG Linggo, May 4, ay binigyan ng posthumous award ni …

Diego Loyzaga Sue Ramirez In Between

Diego inaming naiingit kay Sue

RATED Rni Rommel Gonzales DERETSAHANG sinabi ni c na loveless siya ngayon. ”My life has …

Benz Sangalang

Vivamax King na si Benz Sangalang tumawid sa mainstream, hahataw sa ‘Totoy Bato’ ng TV5

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGKAHALO ang naramdaman ng hunk actor na si Benz Sangalang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Kiko isinusulong murang pagkain para sa mga Pinoy

RATED Rni Rommel Gonzales MADAMDAMIN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa sinabi niyang, “Now, sa dami …